Umabot na sa 973 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa ipinaiiral na election gun ban sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police, karamihan sa mga violator ay nagmula sa National Capital Region na may 318 offenders, sinundan naman ng Central Visayas na may 118 at Central Luzon na may 116.
Kabilang sa mga naaresto ay mga sibilyan, walong police personnel, pitong military personnel, at 13 security guards.
Nakumpiska sa mga ito ang 749 baril, 336 deadly weapons at 4,708 na mga bala mula sa 855 police operations.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala