Niyanig kagabi ng magnitude 5.3 na lindol ang sarangani, malapit sa bayan ng Kiamba.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ito bandang 10:25 ng gabi.
May lalim ang pagyanig ng 34 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Dahil sa lindol, naitala ang intensity 4 sa munisipalidad ng Kiamba.
Wala namang naitalang damage pero posible ang aftershocks. —sa panulat ni Abigail Malanday