Inihayag ng OCTA Research na ang Zambales ay kabilang sa limang probinsya sa Central Luzon na may mataas na positivity rate kasama ang Aurora, Bataan, Nueva Ecija, at Pampanga.
Ayon sa Independent Analytics Group, na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng probinsiya ay may 3.73%. Sa kabila nito, napakababa ng virus reproduction rate sa lalawigan sa 0.39% habang ang healthcare utilization rate mababa rin sa 26%.
Mula noong 2020, nakapagtala ang zambales ng 11,438 kumpirmadong kaso ng COVID-19 na may 11,009 na nakarekober habang umabot sa 640 ang nasawi. —sa panulat ni Kim Gomez