Nanindigan ang Department of Health (DOH) na ang pagbabakuna para sa mga bata at kabataan kontra COVID-19 ay mananatiling boluntaryo.
Tiniyak ito ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na ang parehong regulasyon sa mga alituntunin sa pagbabakuna para sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang at mga 12 hanggang 17 taong gulang.
Matatandaang, kinukwestiyon ng publiko ang regulasyon na kikilos ang estado bilang magulang sakaling tumanggi ang mga ito na mabakunahan ang kanilang mga anak.
Ngunit sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang lahat ng mga patakaran sa pagbabakuna, ay nananatiling pansamantala dahil sa progresibong agham, na magbibigay-daan dito na baguhin at suriin ang patakaran.
Iginiit ng Health Undersecretary, na hindi kailanman sinabi ng DOH sa mga patakaran nito na ang pagbabakuna sa covid-19 ay ipipilit sa mga magulang, dahil nangangailangan ang mga bata ng pahintulot at pagpayag mula sa kanila upang mabakunahan. —sa panulat ni Kim Gomez