Nakatanggap ang gobyerno ng positibong tugon mula sa mga magulang ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang na nag-avail ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chair, Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kinilala ng anhesya ang general feedback sa patuloy na pagbabakuna ng mga bata sa 45 lugar sa Metro Manila, lima sa Central Luzon, tatlo sa Calabarzon, at isa sa Cotabato City.
Samantala, base sa datos ng NVOC na hindi bababa sa 52K mga bata na ang nakatanggap ng kanilang unang dose. Kung saan, ang mga karaniwang side effect ay mga pantal, pagsusuka, at pananakit sa lugar na tinurukan.
Gayunpaman, pinapayagan ng gobyerno ang pagbabakuna ng mga bata mula lima hanggang labing pitong taong gulang ngunit may pahintulot lamang ng magulang. —sa panulat ni Kim Gomez