Patay ang isang binatilyo matapos nitong maputukan ang sarili habang naglalaro ng baril sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Tyron De Lumen Austria, 13 anyos.
Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital pero binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na nakuha ng biktima ang baril na nakatago sa cabinet ng kuwarto ng isang Earl Ritardo na siyang nagmamay-ari ng nasabing baril. —sa panulat ni Kim Gomez