Maglalabas ng “seal of legitimacy” ang Department of Trade and Industry para sa mga direct selling at multi-level marketing organization.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, nakapaloob ito sa inilabas ng kagawaran na Administrative Order 21-09 o ang guidelines on grant of DTI Seal of Legitimacy for Legitimate Direct Selling and Multi-Level Marketing.
Layunin aniya nito na mabigyang proteksyon ang publiko na maging biktima ng mga kumpanya na kabilang sa mga chain distribution o pyramiding scams.
Samantala, hinikayat ng dti ang nasabing mga kumpanya na magpunta sa kanilang opisina para makapag-apply ng naturang seal. - sa panulat ni Airiam Sancho