Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration na maraming job opportunities abroad ang available para sa mga nurse, truck drivers at nasa it sector sa gitna ng pandemya.
Ayon kay POEA deputy administrator Bong Plan, ito ay dahil sa pandemya kung saan ang mga nasabing trabaho ay demand pagdating sa overseas employment.
Bagama’t mas mababa aniya ang demand para sa overseas Filipino workers (OFWs) kumpara sa pre-pandemic period, ang kanilang deployment ay unti-unting tumataas mula noong 2021.
Samantala, nagpaplano na ang POEA para sa guidelines ng pagpapatuloy ng deployment sa Taiwan kasunod ng paghihigpit nito na magpapasok ng ma migrant workers.—sa panulat ni Airiam Sancho