Naabo ang mahigit 100 bahay matapos sumiklab ang sunog sa ilang barangay sa Cavite City.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cavite Provincial Office, mabilis kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay na tinamaan ng sunog ay gawa umano sa light materials.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, 30 minutong nawalan ng kuryente ang lugar at nang bumalik ang kuryente, napansin ng mga residente ang biglang pagsiklab ng apoy sa mga kabahayan.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.
Sa ngayon, pansamantalang mananatili sa Ladislao Diwa Elementary School sa barangay 20 ang mga nasunugan. —sa panulat ni Kim Gomez