Inihayag ni Gabriela Womens Representative Arlene Brosas na dapat muling ikonsidera ng Commission on Election (COMELEC) na hindi makakuha ng permit sa pangangampanya ang mga kandidato para sa mga in-person campaign at motorcade.
Ayon kay Brosas, sapat na ang mga alituntunin na itinakda ng IATF para ipatupad ang minimum health protocols sa mga aktibidad na may kinalaman sa halalan.
Dadag pa ng opisyal, na lumalabag umano ang permit sa mga karapatan ng mga kandidato na magsagawa ng mga aktibidad sa panahon ng kampanya.
Matatandaang, inilabas ng COMELEC ang mga alituntunin noong nakaraang taon sa layuning makatulong na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng kampanya. —sa panulat ni Kim Gomez