Suportado ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa mga campaign caravan sa mga pangunahing kalsada tuwing weekdays.
Ayon kay Carlos, ang pangangampanya sa mga pangunahing lansangan ay pinapayagan lamang tuwing weekend at holiday, batay sa mga alituntunin ng MMDA.
Pinalalahanan din ng PNP Chief ang mga kandidato na kumuha ng kinakailangang permit mula sa kinauukulang LGU sa tuwing nais nilang magsagawa ng motorcade o caravan.
Dagdag pa ng hepe ng PNP, na kinakailangan ito para sa mga tropa ng mga pulis upang makatulong sa pagtiyak ng maayos na daloy ng trapiko. —sa panulat ni Kim Gomez