Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Ukraine matapos tumaas ang tensiyon at magbabala ang Amerika sa posibleng pananakop ng Russia.
Hinikayat ng ahensya ang mga pilipino na makipag ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland, na iulat ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa kani-kanilang lugar at patuloy na subaybayan ang kanilang mga kaibigang pilipino sa pamamagitan ng social media.
Ilang bansa na katulad ng Amerika, United Kingdom, Canada, South Korea at Japan ang humikayat sa kanilang mga mamamayan na agad na lisanin ang Ukraine.
Samantala, hindi pa nagpapalabas ng kaparehong advisory ang Pilipinas. —sa panulat ni Kim Gomez