Bubuksan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang pintuan para sa mga live audience na magsisimula sa Martes, February 16.
Ito ay matapos umabot sa 100% ang bilang ng mga manlalaro na nabakunahan na kontra Covid-19, habang 95% ang nakatanggap ng booster shot.
Ayon kay League Commissioner Willie Marcial, maaaring mag-book ng ticket reservations ang mga nais manood simula ngayong araw.
Welcome naman para sa mga organizers at sa big dome ang desisyon.
Maglalaban sa Miyerkules ang NLEX at Magnolia dakong alas-3 na hapon na susundan ng san miguel at talk n text pagsapit ng alas-sais ng gabi. —sa panulat ni Abby Malanday