Mas maraming botanteng babae ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) kumpara sa rehistradong botanteng lalaki.
Batay sa datos ng Comelec, hindi bababa sa isa punto limang milyon ang inihigit ng bilang ng mga registered female voters sa registered male voters.
Ipinapakita ito sa ulat ng Comelec’s election records and statistics division, kung saan nasa 65,721,230 ang mga botante sa bansa.
33,644,237 dito ay mga babae habang nasa 32,760,993 ang mga lalake.
Ang Region 4A ang may naitalang pinakamalaking bilang na may 9,192,205 na mga botante kung saan 4,852,037 ang babae.
Pumapangalawa ang National Capital Region (NCR) na may kabuuang 7,301,393 na mga botante na kinabibilangan naman ng 3,976,902 na mga babaeng botante. —sa panulat ni Abby Malanday