Mahigpit at patas ang pagpapatupad ng mga patakaran ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa lahat ng mga kandidatong nagpaplanong magsagawa ng motorcades sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region.
Ito ang tugon ni MMDA officer-in-charge Romando Artes sa isang katanungan tungkol sa posibilidad na ang mga traffic enforcer ay maaaring makaligtaan ang mga paglabag na ginagawa ng ilang mga kandidato.
Matatandaang tiniketan ng ahensya ang mga kandidato dahil sa paglabag sa mga protocol na hindi tinukoy kung sino at ilan.—sa panulat ni Airiam Sancho