Nakapagtala ng 558 new cases ng COVID-19 ang Metro Manila, kahapon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, medyo mataas ito kumpara sa kabuuang kaso na 3,050 na naitala sa Pilipinas.
Ang nasabing bilang ang pinakamababang tally ng new COVID-19 cases sa bansa kung saan pasok pa rin aniya ito sa kanilang pagtataya noong January 24.
Kaugnay nito, bumaba sa 8.5% positivity rate ang NCR.
Ayon sa benchmark ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 positivity rate ay dapat na nasa 5% kung saan ito ay indikasyon ng kotroladong hawaan ng COVID-19. - sa panulat ni Airiam Sancho