Tinitignan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makapag-recruit ng 500K volunteers para sa darating na eleksyon.
Ayon kay PPCRV Chair Myla Villanueva, ang organisasyon ang naatasan na tumulong sa voter education, voter registration, poll watching at unofficial parallel count.
Aniya, ang mga interesado na magboluntaryo ay dapat na nasa hustong gulang 18 taong gulang pataas at nakatanggap na ng kumpletong bakuna.
Samantala, tiniyak ni Villanueva sa publiko na maraming paraan upang maprotektahan ang panahon ng botohan laban sa pandaraya. - sa panulat ni Airiam Sancho