Epektibo na ngayong araw, Pebrero a-15 ang ika-pitong taas singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Nagsimulang magtaas ng presyo ang kumpaniyang Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi kung saan, papalo sa P1.20 centavos ang dagdag singil sa presyo ng kada litro ng Gasolina; P1.05 centavos naman sa Diesel; at P0.65 centavos naman sa Kerosene.
Magpapatupad naman ng kaparehong presyo mamayang alas-sais ng umaga ang Shell, SeaOil, Petron at Flying V. P1.20 centavos din ang magiging singil ng kumpaniyang Petro Gazz at unioil sa kada litro ng Gasolina habang P1.05 centavos naman sa Diesel na ipatutupad mamayang alas-sais ng umaga maliban sa kumpaniyang Cleanfuel na magpapatupad ng kaparehong presyo mamayang alas-kwatro ng hapon.
Sa ngayon ang year-to-date adjustments stand ay nasa kabuuang P7.95 centavos sa kada litro ng Gasolina; p10.20 centavos para sa kada litro ng Diesel at P9.10 centavos naman ang kada litro ng Kerosene.
Ang mataas na singil sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa ngayong linggo ay epekto ng galaw sa International Market noong nakaraang linggo at tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia. —sa panulat ni Angelica Doctolero