Nagkilos protesta kahapon ang grupo ng Gabriela sa Quezon City dahil sa sunod-sunod na taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, dapat magpatupad ang gobyerno ng Price freeze sa mga pangunahing bilihin na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
Marami na kasing naapektuhan ng lingguhang pagtaas ng presyo ng petrolyo kabilang na diyan ang presyo ng mga karne, isda, mantika, asukal at iba pang pangunahing sangkap sa pagluluto.
Bukod pa dito, wala na ding halos kinikita ang mga tsuper dahil sa kakulangan ng gobyerno na punan ang ilang problema sa bansa bunsod narin ng COVID-19 pandemic.
Posible ding maapektuhan ang Pilipinas sakaling sumiklab ang giyera sa Ukraine.
Dahil dito, pinulong ng Department of Energy (DOE) ang ilang mga kumpaniya para matiyak ang supply ng langis sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero