Nakitaan ng Philippine National Police (PNP) ang ilang kandidato ng mga pag-labag sa COVID-19 health protocol sa pag-iikot at campaign rallies ng mga ito sa Metro Manila at ilang lugar.
Ayon kay P.N.P. Spokesperson, Col. Jean Fajardo, hindi nasusunod ang itinakdang minimum public health standards maging ang guidelines ng Commission on Elections (COMELEC).
Aminado si Fajardo na malaking hamon sa kanila ang pagbabantay sa mga kandidato dahil ito ang kauna-unahang beses may kampanya kahit may pandemya.
Samantala, pagdating naman sa seguridad ay naging mapayapa anya ang pagsisimula ng campaign period simula noong Pebrero a – otso.