Arestado ang apat na lalaki matapos magpanggap na pulis sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Manila Police District-Station 1, sinabi umano ng apat na sila ay mga pulis at miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at nagpumilit pumasok sa isang condominium.
Dahil dito humingi ng saklolo ang guwardya ng naturang gusali sa mga nagpapatrolyang pulis.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District 1, may bitbit ang mga suspek na matataas na kalibre ng baril na may mga bala pero walang dokumento.
Nahaharap naman ang apat na supek sa kasong paglabag sa COMELEC gun ban, illegal possession of firearms and ammunition at Usurpation of Authority. – —sa panulat ni Mara Valle