Nagsilikas ang nasa 300 pamilya dahil sa mga patayan at karahasan ng naglalabanang armadong grupo ng mga Moro sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa militar, nagsasagawa na ng hakbang ang mga awtoridad upang maresolba ang “rido” o “clan war” sa Sultan Kudarat kasunod ng engkuwentro ng nag-aawayang pamliya na naging dahilan upang magsilikas ang libong indibiduwal na naiipit sa bakbakan.
Hinikayat naman kahapon ni Major Gen. Juvymax Uy, Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang mga lokal na opisyales na pumagitna at pahupain ang naglalabang grupo upang maiwasang maapektuhan ang iba pang mga residente sa lugar.
Samantala, kasalukuyan na umanong kumikilos ang ceasefire committee ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang resolbahin ang rido sa pagitan ng dalawang grupo na sinasabing mga kasapi rin ng MILF. - sa panulat ni Mara Valle