Kinumpirma ng mga health authority na nakarekober na ang 17 kaso ng omicron variant ng COVID-19 sa Zamboanga City.
Ayon kay Dr. Dulce Miravite, City Health Officer, Pebrero a-tres nang ilabas ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center ang resulta ng genome sequencing.
Kabilang sa mga kumpirmadong kaso ang 14 mula sa komunidad, dalawang Authorized Persons Outside Residence (APOR), at isang returning overseas Filipino.
Sinabi pa ni Miravite, na unti-unti na ring bumababa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa siyudad.
Umaasa naman ang mga Health Official, na magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 upang mailagay na sa mas mababang alert level status ang lungsod na kasalukuyang nakapailalim sa alert level 3.