Walo lamang sa 159,612 na mga batang edad lima hanggang labing isa ang nakaranas ng adverse effect matapos mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabilang sa mga naranasan ng mga ito ang extremities, pangangati ng lalamunan, pagsusuka, at pananakit sa parte ng tinurukan na may kasamang panlalamig.
Sinabi pa ng opisyal na may mga guidelines at payo sa mga magulang at guardians kung paano tutugunan ang adverse events.
Pebrero a-siyete nang ilarga ang pilot vaccination sa mga batang edad lima hanggang labing isa.