Apat na highly urbanized cities sa luzon ang nasa ‘low risk’ category na sa COVID-19.
Ayon sa OCTA Research Group, kabilang sa mga lugar na ito ay ang Angeles, Dagupan, Lucena at Olongapo na nakapagtala ng ”very low” reproduction number.
Ang postivity rate naman ng naturang mga lugar ay nasa four percent, nine percent, four percent, at five percent.
Samantala, nasa moderate risk category naman ang baguio city at puerto princesa city habang ang Naga City at Santiago City, Isabela ay nananatili sa moderate risk.
Nakapagtala ang Baguio City ng “very low” reproduction number na 0.45, habang ang Puerto Princesa ay mayroong “low” reproduction number na 0.79.
Nasa 0.28 at 0.29 naman ang reproduction number sa Naga City at Santiago City na itinuturing na ”very low”.