Tatanggap ng cash incentives ang Philippine Women’s Football Team mula sa Philippine Sports Commission matapos makwalipika sa 2023 FIFA Women’s World Cup.
Ito ay matapos aprubahan ng PSC ang aabot sa P1.25M kung saan, ang bawat manlalaro ay makakakuha ng P50,000 bilang pagkilala sa kanilang galing makaraang umabot sa Semifinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup.
Ipinagmalaki at ikinatuwa naman ni PSC Chair Butch Ramirez ang naging panalo ng bansa sa tulong ng mga atletang dumalo sa unang Physical flag-raising ceremony ng ahensiya na isinagawa sa Rizal Memorial Sports Complex.
Matatandaang tinalo ng Pilipinas ang pambato ng Chinese Taipei sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup dahilan para umabante ang bansa sa 2023 FIFA Women’s World Cup. —sa panulat ni Angelica Doctolero