Nagpapatuloy ang mobile vaccination drive kontra COVID-19 ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.
Sa ilalim ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive,” target na mabakunahan ang nasa 500 transport workers at stakeholders kada araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Sinimulan ang vaccination drive noong Lunes, Pebrero a–14 at tatagal hanggang bukas.
Prayoridad sa naturang programa ang mga tatanggap ng booster doses pero bukas rin para sa mga magpapaturok ng first at second doses.
Inabisuhan naman ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, ang mga walk-in na magparehistro sa LTO chapel para matiyak na mababakunahan.
Layunin anya ng inisyatibo na mas lalong maging accessible ang bakuna laban sa COVID-19 sa mga tao.