Idedeklara umanong constitutional ng Korte Suprema ang kontrobersiyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa ulat ng Manila Times, sinasabing pinaiikot na sa 14 na mga mahistrado ang 82-pahinang draft decision na sinulat ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Batay sa draft decision ni Sereno, hindi labag sa Salitang Batas ang EDCA dahil may kapangyarihan si Pangulong Aquino na lumagda ng kasunduan na may kaugnayan sa ugnayang panlabas at pambansang seguridad.
Sinasabing tatalakayin na ng mataas na hukuman ang desisyon ni Sereno bukas, November 10.
Kung wala umanong sasalungat dito, posibleng pagbotohan na ng mga mahistrado ang hatol o kaya’y i-reset ito sa November 16 na bisperas ng APEC Summit.
By Jelbert Perdez