Isang buntis sa Pakistan ang nagbaon ng de-dos na pako sa kanyang ulo dahil hihiwalayan na ito ng asawa kapag hindi pa nagka-anak ng lalaki.
Ayon sa Pakistani Health Ministry, nagpunta ang babae sa isang faith healer na nagsabing ang pagbabaon ng pako sa ulo pag-o-orasyon ang solusyon upang magkaroon ng anak na lalaki.
Bago pa umano magpunta sa ospital ay sinubukan pa nilang tanggalin ang pako pero hindi nila ito nagawa at kalauna’y nagtagumpay naman ang mga doktor na matanggal ang nakabaong pako.
Sa kabila ng insidente, ibinida pa umano ng babae na mayroon siyang kakilala na nagbaon din ng pako sa ulo at nagkaroon ng anak na lalaki.
Samantala, pinaghahanap na ng mga otoridad ang faith healer na pinuntahan ng buntis. —sa panulat ni Mara Valle