Nasa “low risk” classification na sa COVID-19 transmission ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Quezon at Rizal.
Ayon sa OCTA Research Group, inaasahan namang mailalagay na rin sa naturang category ang Batangas sa mga susunod na araw.
Sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David na ang positivity rate sa CALABARZON at maging sa National Capital Region (NCR), ay mas mababa pa sa 10%.
Aniya, sa mga lugar sa CALABARZON, ang lalawigan ng Quezon ang pinakamalapit na mailagay sa very low risk classification.
Batay pa sa datos ng OCTA, nasa 7% ang positivity rate sa NCR hanggang nitong Pebrero a-15, habang ang Batangas ay mayroong positivity rate na 10%, Cavite na may 9%, Laguna at Rizal na may 8%, at Quezon na may 4%.
Nakapagtala naman ang NCR ng pinakamataas na average daily attack rate (ADAR) na 3.57 habang ang Quezon naman ang may pinakamababang ADAR na 0.79.