Inaasahang ihaharap kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Dionardo Carlos ang 9 na Pulis na itinuturong suspek sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Ito’y matapos sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group – Detective Special Operations Unit (CIDG-DSOU) sa Kampo Crame ang mga naturang Pulis ala -7 kagabi, Pebrero a-15.
Ayon kay P/LtC. Mon Sawan, Tagapagsalita ng CIDG, maliban sa 9 na pulis, may 3 pang sibilyan na sangkot din sa krimen ang sumuko na rin.
Marso a-8 ng nakalipas na taon nang pagbabarilin si Mayor Aquino kasama ang driver nito at dalawang Pulis habang lulan ng sinasakyan nilang Van.
Kabilang sa mga kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng 4 na patong ng Murder at Frustrated Murder sina P/LtC. Harry Villar Sucayre ang siyang Team Leader ng PNP IMEG sa lugar.
Gayundin sina P/Maj. Shyrille Co Tan; P/Capt. Dino Laurente Goles; P/Lt. Julio Salcedo Armeza Jr.; P/SSgt. Neil Matarum Cebu; P/SSgt. Edsel Tan Omega; PSSgt. Randy Caones Merelos; P/Cpl. Julius Udtujan Garcia at Patrolman Niño Cuadra Salem. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)