Dinipensahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang planong pag-aangkat ng gobyerno ng 60,000 metrikong toneladang isda na pupuno sa mababang produksyon sa Pilipinas.
Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona, layon lamang ng gawain na mabalanse ang isda sa wet market na kadalasang nagkukulang ang bilang.
Una nang binatikos ng ilang senador at grupo ang plano na anila’y posibleng makasira sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda sa bansa. —sa panulat ni Abby Malanday