Marami sa mga Pilipinong nasa Ukraine ang naninirahan sa Capital City ng Kyiv kung saan, tahimik pa umano ang sitwasyon sa naturang lugar.
Pero ayon sa mga Pinoy na nasa Ukraine kabilang na si Marcelino Aquino na tatlong dekada nang naninirahan sa Kyiv, plano nilang lumipat sa karatig-bansa o pakanluran sa borders ng Poland sakaling maganap ang pananakop ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Marcelino, may sapat sila na panahon para bumiyahe o ang tinatawag na “extra movement emergency” sa oras na magkagulo ang dalawang nabanggit na bansa.
Sa pahayag naman mga Pinoy workers abroad, mas pipiliin nalang nilang lumipat ng ibang bansa kaysa umuwi ng Pilipinas para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
Sa ngayon mayroon nang ibang Pilipino ang umalis ng Kyiv para magtrabaho sa ibang kalapit na bansa dahil sa takot ng pagsiklab ng gulo. —sa panulat ni Angelica Doctolero