Nakahahabol na ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kumpara sa mga tinatamaan ng virus.
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, aabot na sa 48,477 ang total recoveries ng PNP matapos itong madagdagan ng 24 bagong gumaling sa sakit.
10 naman ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pulisya kaya’t sumampa na sa 48,757 ang kanilang kabuuang kaso.
Mula sa nasabing bilang, lalo pang bumaba sa 152 ang mga aktibong kaso habang nananatili sa 128 ang dealth toll matapos walang madagdag sa bilang ng mga nasawi. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)