Aabot na sa 1,163 ang bilang ng mga naaresto ng Phiippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa pinaiiral na COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng PNP ay nasa 1,123 sa mga ito ay pawang mga sibilyan, 13 ang mga Security Guard, 10 ang miyembro ng Pulisya at 7 ang mga Sundalo.
Mula sa 1,040 na operasyong ikinasa ng PNP, aabot na sa 895 ang bilang ng mga armas na kanilang nakumpiska kung saan, 412 naman ang mga nasabat na deadly weapon, 353 ang mga matatalas na bagay at 59 na pampasabog.
Bukod pa riyan ang may 5,545 na mga balang nasamsam ng mga awtoridad sa mga ikinasa nilang operasyon.
Pinakamarami sa mga naaresto ay sa Metro Manila, sumunod ang Central Visayas, Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)