Kalaboso ang isang hapones at tatlo pang indibidwal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang beerhouse sa Pasay City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Hiroshi Akiba, alyas “Hiro”, manager ng International King and Queen Manila; Mary Jane Santos, alyas Yuki;
Jeanette Gonzales, alyas Cherry at Erlinda Merillo, alyas Linda na kapwa tauhan ni Hiro.
Ayon sa NBI, nakipag-transaksyon ang kanilang asset kay Linda na nagbigay ng dalawang babae at nang nakumpirmang nagbibigay din ang mga ito ng sexual service sa presyong 3,500 pesos sa VIP rooms ng club.
Dito na dinakip ang mga bugaw at nailigtas sa operasyon ang nasa limampu’t limang babae.
Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9208 o anti trafficking in persons act of 2003 ang mga apat na nadakip. —sa panulat ni Mara Valle