Handa na ang Manila Water Company sa epekto ng pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam ngayong tag-init.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Jeric Sevilla, Corporate Communications Head ng Manila Water na may apat silang inihandang solusyon dito;
Ito ay ang;
- Cardona water treatment plant sa Rizal na magsusuplay ng 100 m na tubig kada araw
- 600 deepwells na magsusuplay ng 115M m ng tubig kada araw
- Marikina portable water treatment plant na magsusuplay ng 20M m na tubig kada araw
- At ang upstream of La Mesa Dam o Alat Dam na magsusuplay ng 10B m ng tubig kada araw.
- sa panulat ni Abigail Malanday