Aabisuhan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang mga foreign employer ng mga OFW na nabiktima o mabibiktima ng umano’y tanim o laglag bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa POEA, layon nitong mabigyan ng sapat at resonableng panahon ang pinagbibintangang OFW na linisin ang kaniyang pangalan sa mga otoridad dito sa Pilipinas bago umalis.
Kasabay nito, muling binalaan ng ahensya ang Pinoy migrant workers na huwag magdala ng mga live ammunition o mga baril, bala, gun powder, cartridge case at primer alinsunod sa isinasaad ng Republic Act Number 10591.
Bukod dito, pinayuhan din ng POEA ang mga OFW na siguruhing naka-lock ng maayos ang kanilang mga bagahe at maging vigilant at mapagmasid sa kanilang mga gamit.
By Allan Francisco