Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng sumipa ng lagpas P77 ang kada litro ng gasolina at diesel, kung magpapatuloy ang tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa ahensiya, nasa 92 hanggang $94 na ang kada barrel ng krudo sa ngayon.
Subalit ayon sa mga eksperto ay maari pang pumalo ang presyo ng produktong petrolyo sa $100 hanggang $120 kada barrels kung lalala pa ang tension sa pagitan ng mga nasabing bansa.
Noong nakaraan na buwan, kinausap na ng doe ang mga kumpanya ng langis sa Pilipinas upang i-secure na ang supply para sa taong ito.
Bagamat kahit na nakapagreserba na ng supply, hindi parin tiyak ang presyo ng langis. – sa panulat ni Mara Valle