Halos 80% pa lamang ng immunization data ng mga Local Government Unit ang nai-upload nito sa vaxcertph.
Dahil dito, sinabi ni DICT acting secretary Emmanuel Caintic na posibleng abutin pa ng apat na buwan bago tuluyang mai upload ng LGU’s ang buong vaccination data nito para mailagay sa vaxcertph.
Na update na rin aniya nila ang vaxcertph kung saan isinama na ang booster shots at dagdag pang security measures batay na rin sa mga alituntunin ng World Health Organization.
Ipinabatid pa ni Caintic na tatlumput siyam na bansa tulad ng US, Australia, Canada, South Korea, Singapore at Japan na ang maaaring mai scan ang vaxcertph sa kanilang points of entry.