Laglag sa kamay ng Sta. Ana Police ang most wanted na lalake sa Maynila.
Kinilala ang suspek na si Frederick Zamora, 29-anyos.
Si Zamora ay may existing na dalawang warrant of arrest dahil sa mga kaso ng robbery, theft, snatching at illegal drugs.
Batay sa CCTV footage ng Barangay 774, pumasok ng barangay hall si Zamora bitbit ang improvised na baril para tangkaing patayin ang kapitan ng naturang barangay dahil sa personal na galit.
Napigilan naman si Zamora sa kanyang maitim na balak at kasalukuyang nakakulong na at hinaharap ang kanyang mga kaso.
By Ralph Obina