Humirit ang ilang mga drayber at kundoktor ng provincial buses na ibalik ang terminal nila sa EDSA.
Ayon sa mga ito, kahit na ibinaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila at kalapit na probinsya ay hirap pa rin silang kumita.
Anila, tuwing Biyernes o Sabado lamang napupuno ang mga bus kahit pa 70% capacity ang pinapayagan.
Sinabi pa ng ilang drayber at kundoktor na maliban sa mga hamon dulot ng pandemya, malaki rin ang nabawas sa bilanhg ng mga pasahero mula nang ilipat ang terminal nila sa PITX at pinagbawalan sila na dumaan sa EDSA.
Sang-ayon naman ang ilang pasahero dahil praktikal at convenient ang ruta ng bus kung ito ay dumadaan sa EDSA. – sa panulat ni Airiam Sancho