Kalaboso ang isang pulis matapos ireklamo nang pangangarnap ng motorsiklo at makuhanan pa ng shabu sa Malabon City.
Kinilala ang suspek na si PNP member Jomar Castillo, 32-anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ini-report ni Niño Joseph Florendo Adriano, 27-anyos, ang nawawala nitong motorsiklo na pinarada at iniwan sa kahabaan ng Gen. Luna corner Bernardo St., Brgy., Concepcion sa nasabing lungsod.
Nasamsam ng mga otoridad ang isang sling bag, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang nasa 4.28 grams ng shabu na nasa P29,104 ang halaga at PNP issued firearm na isang Jericho 45 fs na may isang magazine at sampung bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, Omnibus Election Code at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. - sa panulat ni Kim Gomez