Patay ang isang abogadong tumatakbong konsehal matapos pagbabarilin ng hindi kilalang armadong mga lalaki sa kaniyang opisina sa Batangas.
Kinilala ang biktima na si Atty. Reginald Michael Manito.
Blangko pa ang mga otoridad sa dahilan ng mga suspek sa ginawang pagpatay sa biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin na nakuhanan sa CCTV. -sa panulat ni Kim Gomez