Hindi bababa sa limang sundalo ang napatay sa isang pag-atake na pinuntirya ng isang hindi kilalang grupo ng mga armadong lalaki ang isang oil field sa probinsya ng marib sa Yemen.
Ayon sa security official sa lugar, sunod-sunod na pinaputukan ng baril ang oil facility ng nasabing probinsya na kontrolado ng gobyerno.
Walang nag-aangkin ng pananagutan para sa pag-atake.
Sa ngayon, ipinakalat ang mga security units ng gobyernong yemeni pagkatapos ng pag-atake upang ma-secure ang mga pasilidad ng langis sa safer.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga operatiba hinggil sa nasabing pag-atake. – sa panulat ni Kim Gomez