Umapela ang health authorities sa lalawigan ng South Cotabato para sa mas malawak na partisipasyon sa expansion ng Bakunahan kontra COVID-19 sa mga menor-de-edad dahil sa pagtaas ng mga impeksyon sa mga bata mula noong nakaraang buwan.
Ayon kay Integrated Provincial Health Office (IPHO) chief Dr. Rogelio Aturdido Jr., umabot na sa 1,300 ang naitalang COVID-19 cases sa mga edad sampu pababasa naturang lugar mula noong February 14.
Aniya, walong daan sa mga kaso ay nagmula sa household transmission o matapos na ma-exposed sa mga matatanda na posibleng tinamaan ng nasabing sakit sa mga pampublikong lugar.
Samantala, hinimok ni Aturdido ang mga magulang na “pangalagaan” ng mabuti ang kanilang mga anak at pabakunahan sila laban sa sakit.—sa panulat ni Airiam Sancho