Nakapagtala ang Pilipinas ng halos dalawang libong bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,923 ang mga bagong kaso kung saan nasa 3,650 thousand 748 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
62,533 naman ang aktibong kaso ng virus.
Habang na sa 3,532,608 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit matapos na madagdagan ng 5,158.
55,607 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 198 na panibagong mga nasawi.—sa panulat ni Airiam Sancho