Patay ang isang rider matapos mabundol ang sinasakyang motorsiklo ng um-overtake na van sa Calatagan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Danilo Hernandez, 40 anyos, isang foreman, habang hindi pinangalanan ang driver ng van.
Ayon sa mga otoridad, sinubukang mag-overtake ng van sa mga sasakyang nasa unahan nito pero bumangga ito sa kasalubong na motor na minamaneho ng biktima.
Sa lakas ng impact ay tumilapon sa kalsada ang rider na nagtamo ng injuries sa iba’t ibang parte ng katawan na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver at inaayos ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek —sa panulat ni Kim Gomez