Balik na naman sa kulungan ang dating “Pilipinas Got Talent” finalist na si Mark Joven Olvido matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Laguna nitong Sabado.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa P85K ang halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska kay olvido sa Bayan ng Sta. Cruz.
Unang naaresto si Olvido noong nakaraang taon ng Laguna Provincial Police na nakatanggap ng sumbong ukol sa umano’y ilegal na gawain ng suspek.
Sa panibagong buy-bust operation sa barangay duhat, nakabili ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer na siyang dahilan upang tuluyang madakip si Olvido.
Nakuha sa kanya ang tatlong maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na P2K.
Si Olvido ay nakilala bilang “vape master” dahil sa kanyang talento sa pag-vape at naging finalist sa Pilipinas Got Talent noong 2018 at lumabas din sa ilang palabas at pelikula. - sa panulat ni Abigail Malanday