Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga otoridad na sumunod sa due process kaugnay sa kidnapping at serious illegal detention case na isinampa laban kay Dr. Maria Natividad “naty” Castro.
Nasa ilalim si Castro ng kustodiya ng pulisya sa Bayugan City, Agusan Del Sur matapos umanong kidnapin ang isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary.
Sa inilabas na pahayag ng DOH, hindi masusukat ang hirap at sakripisyong ibinuhos ng mga health workers ngayong pandemya.
Kaya umaasa sila na lalabas ang katotohanan at mapapawalang-sala si Castro.
Si Castro ay naghahandog ng libreng medical services sa malalayong lugar na hindi kayang abutin ng pamahalaan. -sa panulat ni Abigail Malanday